top of page

JRMSU-TC naputulan ng internet connection

  • Johnny Mar Q. Ebo
  • Feb 6, 2017
  • 1 min read

Halos umabot na ng dalawang linggo nang mawalan ng koneksyon ang internet room ng JRMSU-Tampilisan Campus. Nagsimula ito noong January 25, 2017 hanggang sa kasalukuyan.

Marami nang mga estudyante ang apektado at nagkakaproblema dahil sa pananatiling offline ng nasabing internet room. Giit pa ni Gng. Maureen Quiboyen sa isang panayam, ito ay nananatiling offline dahil hindi pa nababayaran ang Value-Added Tax nito sa kadahilanang ang nasabing tax ay inaakalang kasali na sa kabuoang internet fee bawat buwan.

Nakasaad sa enrollment form ng bawat estudyante ng Unibersidad ang P330. 00 na bayad para sa internet fee. Ang koneksyon ng internet ay isa sa mga pinakamahalagang pangangailangan ng mga estudyante bilang katuwang sa pag-aaral.

 
 
 

Comments


bottom of page